DAGUPAN CITY- Patuloy ang pag-antabay ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa bayan ng Mangaldan sa mga pangunahing ilog ng bayan upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente laban sa posibleng epekto ng bagyong Nika.

Ayon kay Rodolfo Corla, Mdrrmo Officer sa bayan ng Mangaldan, katuwang nila ang Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagbabantay sa galaw ng bagyo.

Sa kasalukuyan, ang kanilang mga responders ay inatasan na sa kani-kanilang designated areas upang masusing imonitor ang mga ilog, katulad na lamang ng Angalacan River.

--Ads--

Anila, nananatili pa rin sa normal ang lebel ng katubigan sa mga ilog dahil kakaunting pag-ulan lamang ang naranasan sa bayan.

Gayunpaman, patuloy pa rin silang nakaalerto sa sitwasyon, lalo na’t nagpakawala ng tubig ang San Roque Dam sa bayan ng San Manuel.

Bagaman aniya, hindi ito nakakaapekto sa mga pangunahing ilog ng bayan ngunit pinag-iingat pa rin nikla ang mba residente at pinayuhang maging alerto sa mga posibleng pagbabago ng panahon.