Nakatanggap ang Supreme Court ng reklamo sa pamamagitan ng kasulatan laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa naging pahayag nito na paghukay sa labi ni Former President Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani at itapon ito sa West Philippine Sea.
Bagaman noong Oktubre 24 nakapetsa ang sulat ngunit ngayon buwan lamang nila ito natanggap.
Hindi rin nila kilala kung kanino ito galing dahil wala itong nakasulat na pangalan. Subalit, hangad nitong ipa-disbarment ang bise presidente.
Wala pang impormasyon ang Korte kaugnay nito at hindi pa nila ito nagagawan ng aksyon.
Samantala, nahalungkat naman ang nakabinbin na disbarment case ni Duterte noong 2011 matapos nitong suntukin ang sheriff na nagpatupad demolition order sa Davao City.
Hindi pa sinisimulan ng Korte Suprema ang motu proprio case laban sa paulit-ulit na pagmumura ng bise presidente sa publiko at ang kamakailang pagbabanta kay President Ferdinand Marcos Jr.