Hindi na umabot pa ng buhay sa hospital ang isang 6 na taong gulang na bata matapos masagasaan ng isang motorsiklo sa Brgy. Asin East, Malasiqui, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Mark Daniel Atuel, isang grade 1 pupil, at residente ng nabanggit lugar habang ang motorsiklo naman ay isang Suzuki Raider 150.

Batay sa imbestigasyon ng mga kapulisan ang motorsiklo ay papunta sa timog na direksyon nang tumatawid naman ang biktima sa pedestrian lane ngunit tumigil sa gitna ang biktima at nagdalawang isip na bumalik

--Ads--

Dumiretso naman ang motorsiklo na dahilan sa pagkakasagasa sa menor de edad.

Agaran na itinakbo sa Universal Health Hospital, sa bayan ng Malasiqui ang bata ngunit idineklara ding dead on arrival ng attending physician.

Nagtamo rin ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang driver ng motorsiklo at dinala sa Pangasinan Provincial Hospital, San Carlos City para sa kaniyang pagpapagamot.

Ang gamit naman na motorsiklo ng driver ay nasa kostudiya na ng Malasiqui PNP para sa maayos na desposisyon.