Sugatan ang anim na katao kabilang ang motoristang ililigtas sana nila matapos maaksidente ang sinasakyang motorsiklo matapos araruhin ng paparating na sasakyan sa barangay Coliling sa lungsod ng San Carlos.
Nabatid na mabilis na lumabas ang mga tanod mula sa barangay hall. Ilang minuto ang nakalipas ay dumating ang rescue ambulance ng CDRRMO San Carlos City.
Sa pagbuwelta ng ambulansya pagtapat sa biktima ay agad na kumilos ang rescue team para isakay sana sa ambulansya ang biktima subalit dumating ang isa pang sasakyan at inararo nito ang mga taong nasa kalsada.
Kinilala ang mga biktima na sina Eddie Movida Jr, ang rescuer mula sa CDRRMO na si Roy Dince , at mga by standers na sina Arnel Capa, Alfred Solomon, Edrian Salvador at Joseph Corpuz na tutulong sana kay Movida.
Tinamaan din nito ang ambulansya at ang mga nakaparadang tatlong motorsiklo.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.