Dagupan City – Nasugatan ang anim na indibidwal ang sa isang vehicular traffic incident na kung saan nakikita bilang self-accident na naganap sa kahabaan ng TPLEX, malapit sa Brgy. San Blas, sa bayan ng Villasis.
Ayon sa report, nakatanggap ang Villasis Police Station ng impormasyon mula sa Urdaneta CPS tungkol sa insidente kaya agad na rumesponde ang mga personnel ng Villasis PS upang beripikahin ang ulat.
Sa inisyal na imbestigasyon, natuklasan na ang Fortuner SUV, na minamaneho ng isang 61-anyos na engineer kasama ang kanyang 5 sakay pawang residente ng Brgy. Paringao, Bauang, La Union, ay bumabagtas sa expressway patungo sa hilaga nang biglaang sumalpok sa isang piraso ng fuel dispenser.
Dahil dito, nawalan ng kontrol ang driver sa manibela at sumalpok sa isang steel gutter.
Nagresulta ang insidente sa mga pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng mga nasugatan, na agad dinala sa Sacred Heart Medical Hospital sa Urdaneta City para sa medikal na atensyon.










