Inaasahan na mas maganda ang magiging ani ng palay ngayong taon lalo na at higit na mas maganda ang panahon ngayon kumpara noong nakaraang taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. Rosendo So – Chairman, Samahang Industriya ng Agrikultura kayang-kayang matarget ng Department of Agriculture (DA) na makapag-ani ng 20.4 million metric tons ng palay ngayong taon mas mataas ng 400,000 metric tons kumpara noong 2023.

Pagbabahagi niya na kapag nagtuloy-tuloy ang ganitong panahon ay hindi magiging problema ang ani at magiging pabor ito sa mga magsasaka.

--Ads--

Marahil kung titingnan noong nakaraang taon ay lubos na nakaapekto ang naranasang tagtuyot ganun din ang La Niña kaya’t bumaba ang target na ani.

Hinggil naman sa presyo ng bigas sa merkado aniya ay dapat magkaroon ng guide sa pricing at dapat maibalik na din ang 35% porsyento ng taripa upang ang collective tariff ay maibigay sa magsasaka.

Dapat din aniya ay magpokus ang gobyerno sa pagpapalakas ng lokal na produksiyon ng palay sa bansa gayundin upang makabili muli ng stocks ang NFA na siya namang ibebenta sa merkado sa mas abot kayang halaga.