Sa podcast, ibinahagi ni Angelica Panganiban ang matinding pinagdaanan sa Showbiz.
Kung saan isa na nga rito ang malulong sa masamang bisyo.
Ayon sa actress sa isang podcast, may mga dahilan kasi kung bakit may mga artistang nalululong sa bisyo.
Aniya, tila “tricky” at “delikado” ang pag-arte dahil sa hirap mag-detach sa mga karakter.
Inalala rin niya ang identity crisis at mental breakdown na naranasan noong 2009–2010 nang sabay-sabay ang kanyang mga proyekto.
Kwento niya, minsan ay bigla na lang siyang humagulgol sa taping ng isang gag show kasama si John Prats.
Ibinahagi rin ni Angelica na tuluyan na niyang tinalikuran ang pag-inom nang lisanin ang showbiz at ituon ang oras sa kanyang anak na si Amila at partner na si Gregg Homan.
Dagdag niya, hindi ganoon kadali ang buhay-artista, at sana raw ay mas maintindihan ng publiko ang emosyonal na bigat ng trabaho.