Nagpasalamat ang Ang probinsyano Partylist, matapos na manalo at makakuha ng puwesto sa kakatapos na 2019 midterm elections.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Atty. Joco Savio, tagapagsalita ng Ang probinsyano Partylist, na labis na nagpapasalamat ang kanilang hanay sa lahat ng sumuporta sa kanila.

Dahil aniya dito nakakuha sila ng two seats sa Kongreso kung saan ang kakatawan sa kanila bilang First Nominee ay si Albert Delos Santos habang ang kanilang Second Nominee ay si Ronny Ong.

--Ads--

Sa ngayon aniya ay naghanda na ang kanilang partylist para sa isang collective approach para sa kanilang isinusulong at isa na dito ang makagawa ng mas maraming trabaho para sa mga probinsyano at iba pang mga programa na noon pa nila isinusulong.