DAGUPAN CITY- Dahil sa dulot na walang kasiguraduhan noong panahon ng Covid-19, lalong naging bukas ang mga tao sa pagkuha ng life insurance.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan Florence Ramos, Assistant Unit Manager, PruLife-Bluefox Summit Life Insurance Agency, karamihan sa mga kumukuha nito ay ang mga empleyado na walang natatanggap na benepisyo mula sa trabaho, mga magulang na pinaghahandaan ang edukasyon ng anak, at mga pinaghahandaan nag hinaharap partikular na sa retirement.

Bilang isang financial advisor, ikinagagalak pa nila na mas mabigyan ng kaalaman sa financial literacy ang publiko dahil malaki aniya ang tulong na hatid nito.

--Ads--

Aniya, ang kinagandahan ng pagiging policy owner ng isang life insurance ay makakasiguradong makakatanggap din ng suporta ang mga beneficiaries nito sa oras nang pangangailangan, katulad na lamang ng kanilang tinatawag na Fund Value o ang Withdrawable fund o investment fund.

Dagdag pa niya, magandang din na paggastusan ang sarili lalo na tuwing sahod ngunit mas mainam din na binibigyan ng din kahalagahan ang paghahanda sa hinaharap.

Ngunit ang pagkuha ng life insurance ay ibinabagay naman sa budget ng nais makakuha nito.