Dagupan City –Muling umingay ang hiwalayan ng aktor na si Dominic Roque at ex-fiancée niyang si Bea Alonzo.

Ito’y matapos kumalat ang balitang ang aktor mismo ang nakipaghiwalay kay Bea.

Taliwas ito sa kumalat na impormasyon noon na si Bea ang nagdesisyong hindi na ituloy ang nakaplano nilang kasal ni Dominic ngayong taon.

--Ads--

Ito ang inamin naman ang inamin ni Bea. Naungkat ang tungkol dito nang mapag-usapan ang dagok na pinagdaanan ni Bea nang maghiwalay sila ni Dominic, at kung paano niya hinarap ang samu’t saring akusasyon sa dahilan ng breakup.
Isa raw sa nais tuldukan ni Bea ay ang kumalat na tsismis na siya ang tumapos sa higit apat na taon nilang relasyon ni Dominic.

Sa puntong ito nilinaw ni Bea na hindi siya ang tumapos sa relasyon. Apat na buwan na ang nakalilipas mula nang isapubliko nina Bea at Dominic na hiwalay na sila.

February 11, 2024, nag-post ang dalawa sa social media para kumpirmahin ang kanilang desisyong tapusin na ang kanilang relasyon halos pitong buwan matapos mag-propose ni Dominic kay Bea.

Naganap ang engagement ng dalawa sa Las Casas Filipinas de Azucar sa Quezon City, noong July 18, 2023.
Sa pamamagitan ng Instagram at Facebook, ibinahagi ni Bea ang mutual decision nila ni Dominic na maghiwalay.

Tinatayang nagsimulang magkaproblema ang couple pagbalik galing sa kanilang holiday vacation sa Japan, na nangyari noong December 26, 2023, hanggang first week ng January 2024.