Isa si Andres Bonifacio sa may pinakamalaking ambag sa lipunan na siya ring nag-organisa sa Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o mas kilala bilang Katipunan at KKK.
Ito ay isang lihim na samahan na itinatag sa Pilipinas ni Andres Bonifacio na may layuning palayain ang bansa sa ilalim na ng mga mananakop na Espanyol.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Eufemio Agbayani III, Historical Sites Researcher si Bonifacio ay hindi lamang isang warrior o mandirigma kundi siya rin ang may higher role upang mapalitan ng makatarungan na pamahalaan ang Pilipinas noong panahon ng Espanyol, nang sa gayon ay magdudulot ito ng kaginhawaan sa mga mamamayan.
Bagamat ay naging masalimuot ang kaniyang kamatayan ani Agbayani na dapat ay magsilbi parin itong inspirasyon para sa lahat sa pagpapakita ng pagmamahal sa bayan.
Samantala, dahil maraming nagkukumpara kay Bonifacio at Rizal dapat aniya ay tignan na lamang ang mga ito bilang mga inspirasyon dahil ang mga bayaning ito ay pawang hinahangaan din ang isa’t isa.
At dahil nalalapit na ang Bonifacio Day aniya ay mainam na manood ng documentary film patungkol sa katipunan upang mas mailapit ito sa mga kabataan.