Usap-usapan ngayon sa social media ang posibleng breakup nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo matapos nilang mag-unfollow sa isa’t isa at mag-post ng mga makahulugang mensahe nitong Biyernes ng gabi.
Sa kanyang Instagram Story, isang tila pasaring ang ibinahagi ni Andi: “I just found out it’s the Year of the Snake! I thought it was the year of the wolf in sheep’s clothing!”*
Sinundan niya ito ng isa pang cryptic message: “They stab you and pretend they are the ones bleeding.”
Samantala, tila kinumpirma naman ni Philmar ang isyu sa isang post sa kanyang Instagram account @chepoxz. “Whatever you have read, it’s true. There’s nothing to hide anymore because it would be even harder. You already know what kind of person I am, so maybe you also know who they are. We don’t need to justify everything,” saad niya sa wikang Bisaya.
Dagdag pa niya: “You can call me a cheater and ugly now. But thanks to the people who messaged me and got to know me.”
Matatandaang na-engage ang dating aktres at professional surfer noong 2020 at kasalukuyang naninirahan sa Siargao kasama ang kanilang dalawang anak na sina Lilo, 5, at Koa, 4.
Habang wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa kampo ng dalawa, patuloy pa ring naghihintay ang mga netizen sa posibleng paglilinaw mula kay Andi at Philmar.