BOMBO DAGUPAN- Tatlong beses umanong nabiktima ng mga kawatan sa Spain ang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si Andres Muhlach.

Noong nasa Spain siya, kuwento ni Andres na siya mismo ang naglalaba ng kanyang mga damit, nagluluto ng kanyang pagkain kung saan mas bet din ni Andres ang maglakad noon papasok at pauwi galing eskwela keysa sumakay sa train.

Kung saan naglalakad siya ng 40 minutes araw-araw, papunta ng school at pabalik ng kanyang apartment.

--Ads--

At sa tatlong taong ginugol niya sa pag-aaral sa nasabing bansa, kuwento ni Andres tatlong beses din siyang na-snatch sa Madrid. Nung dalawang beses, hindi niya hinabol ang mga kawatan dahil mas natatakot siya na baka may weapon ang mga ito.

Pero nung third attempt ng kawatan, ay na-headlock niya ito kaya nabawi niya ang necklace na hinablot nito sa kanya.

Pagbabahagi nga ni Andres na isa ito sa mga hindi niya makakalimutang experience noong siya ay nag-aaral pa.