BOMBO DAGUPAN – Pinili ng parliyamento ng Thailand si Paetongtarn Shinawatra, ang anak ng bilyonaryong tycoon at dating pinunong si Thaksin, bilang punong ministro.

Sa edad na 37, siya ang magiging pinakabatang PM ng bansa at pangalawang babae pagkatapos ng kanyang tiyahin na si Yingluck.

Ang kanyang pagpili ay isinagawa dalawang araw matapos ang dating PM na si Srettha Thavisin ay dinismiss ng constitutional court.

--Ads--

Si Ms Paetongtarn ay nahaharap sa mahirap na gawain ng muling pagbuhay sa natigil na ekonomiya ng Thailand pero nagpahayag siya ng pag asa na magagawa niyang mapabalik ang tiwala ng mga mamamayan sa ilalim ng kanyang panunungkulan at makapagtatag ng mga oportunidad na magpapabago sa kalidad ng pamumuhay.

Si Paetongtarn, na nakakuha ng 319 endorsement ay pang apat na membro ng Shinawatra clan na naging prime minister sa nakaraang dalawang dekada.