Dagupan City – Nagsagawa ng Analysis Workshop ang Department of Trade and Industry katuwang ang Department of Science and Technology.

Ayon kay Region 1 DTI Asst. Secretary Grace Baluyan, bibigyan nila ng diin at pagkilala ang RA No. 8172 o An Act for Salt Iodization Nationwide kung saan ay lahat ng asin na gagamitin ay na-iodized.

Ngunit dahil na rin sa konsiderasyon sa ilang mga manufacturers na hindi nangangailangan ng ganitong uri ng asin, dagdag pa ang mga gumagamit lamang ng industrial salt.

--Ads--

Kinakailangang tutukan ngayon ng departamento ay kung ito nga ba ay ligtas, dahil aniya minsan ay madalas lamang itong gamitin bilang panlinis ng mga isda at iba pa.

Dito umano aniya mabibigyang diin ang Asin Law na may layuning makapagkonsumo ng iodized salt at mas mapalawig pa.
Isa na nga rito sa pagtutok sa mga kagamitan na kinakailangan upang mas matutukan ang paggawa at produksyon ng asin.