Kahit anong ammendments ang gagawin sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), ay magreresulta pa rin ng napakataas na presyo ng bigas.
Ito ang pahayag ni Cathy Estavillo – Spokesperson, Bantay Bigas, kaugnay sa pagratipika ng Senado sa panukalang amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL).
Sinabi nito na hindi pa rin kaya nitong lutasin ang krisis sa pagkain sa bansa.
Sa nagdaang limang taong implementasyon ng nasabing batas ay nanatiling hirap ang mga magsasaka at hindi naging competitive ang mga magsasaka sa mga exporting countries.
Dagdag pa ni Estavillo na wala umano sa ammendments ang pagtutok sa problema ng mga magsasaka gaya ng land use conversion, kawalan ng lupa ng mga magsasaka at napakataas na gastos sa produksyon at pag iimport pa rin ang umanoy nakikitang solusyon sa pagkain.
Matatandaan na sa ilalim ng reconciled version ng Senate bill 2779 at House bill 10381, layong amyendahan ang probisyon sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa pamamagitan ng pagpapalawig hanggang 2031 at pagtaas ng appropriations sa P30 billion mula P10 billion.