DAGUPAN CITY – Naghahanda na ang bansang Amerika dahil sa nagbabadyang panibagong hurricane Milton.

Kung saan noong nakalipas na buwan lamang ay tumama ang hurricane helen na nagdulot ng higit 200 na pagkasawi.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Isidro Madamba Jr, Bombo International News Correspondent in USA na ang hurricane milton ay mas malakas kumpara sa hurricane helene dahil ito ay nasa category 5.

--Ads--

Aniya na nagbabala na at nagbigay ng direktiba ang gobyerno doon na lisanin ang mga lugar na tatahakin ng nasabing hurricane dahil inaasahan ang pagtaas ng tubig at malawakang pagbaha.

Nakahanda naman ang kanilang gobyerno upang matugunan ang pangangailangan ng mga maapektuhan lalo na sa panahon ng mga kalamidad.

Samantala, hindi din maiiwasan na sinasamantala ng ibang politiko ang mga ganitong pangyayari upang mahikayat na bumoto ang mga residente doon na pumabor sakanila lalo na at nalalapit na ang halalan sa amerika.