DAGUPAN City– Dahil sa mabilis ng pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansang Amerika, binago na ng Health Officials ng nasabing bansa ang kanilang sa kanilang criteria sa pagsasagawa ng Covid-19 test kung saan hindi na lamang ang mga taong sa nagkaroon close contact o travel history sa China, kundi pati na rinsa mga bansang may naitala na ring kaso ng naturang virus gaya na lamang ng South Korea, Japan, at iba pang karatig bansa sa Asya.


Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo Correspondent na si Prof. Gabriel Ortigoza, aniya hindi raw nagiging aggressive ang pagresponde ng Amerika sa corona virus test dahil nangangapa pa umano sila kung papaano susugpuin ang virus.

Dagdag pa nito, na imbes na unahin raw ni President Donald Trump ang magbigay ng pahayag tungkol sa shooting sa Milwakee, ay mas inuna raw nito ang pagrequest ng 4.5 million us dollar para ma-contain ang covid19 pero umalma ang mga democrats dahil hindi raw nagagamit ng tama ang budget na ito.

--Ads--

Ngunit sa kabilang dako ay ang laging paalala sa kanila ng Health Officials na umiiwas muna ang mga mamayan sa matataong lugar.

Aniya pa nga ni Ortigoza, parang Asya na rin ang dating ng pampublikong lugar roon dahil kakaunti na lamang ang lumalabas sa kalsada.

Dagdag pa nito, na laging paalala sa kanila ng mga Health Eductors ang mga precautions para makaiwas sa sakit gaya na lamang ng handwashing, pag-iwas muna sa pakikipag-kamay at paghawak sa mga bagay sa public transportation.