Pumanaw na ang actor na si Michael Wright sa edad na 70.
Sinabi ng pamilya nito na dumanas ito ng heart failure sa kaniyang bahay sa Los Angeles, California.
Mayroon din itong kumplikasyon sa rare degenerative neurological disease na tinawag na Marchiafava-Bignami.
--Ads--
Isinilang noon 1956 sa New York City at unang nakasama ito sa pelikulang “The Wanderers” noong 1979 at “Streamers” noong 1983.
Kasama rin ito sa comedy show na “The Principal” na pinagbibidahan nina Jim Belushi at Louis Gossett Jr.
Hindi malilimutan na pelikula nito ay noong gumanap ito bilang si Eddie King sa pelikulang”The Five Heartbeats” noong 1994 at “Sugar Hill” na kasama noon si Wesley Snipes.










