Pitong araw ang ibinigay ng Australia sa ambassador ng Iran na lisanin ang bansa matapos itong masangkot umano sa isang ‘antisemitic attack’ sa Sydney at Melbourne.

Ang alegasyon na ito ay matapos maiugnay ng Intelligence Service ang Iran sa isang arson attack sa isang cafe sa Sydney noong October 2024 at sa isang synagogue sa Melbounre noong December 2024.

Ayon kay Prime Minister Anthony Albanese, na ang mga pag-atake ay ang pagtatangka na magdulot ng kaguluhan sa kanilang komunidad.

--Ads--

Dahil dito, ipinag-utos kay Ambasador Ahmad Sadeghi at tatlong opisyal na umalis sa bansa.

Itinanggi naman ng Iran ang mga alegasyon.