Mga kabombo! Sabi nga nila, kayang gawin lahat ng magulang maproteksyunan lang ang anak.

Ngunit paano kung malaman niyo ang balitang ang ama ay pinakabitan ng CCTV ang anak?

Ganito kasi ang nangyari sa isang ama sa Pakistan matapos na pakabitan ng CCTV ang ulo ng kaniyang sariling anak.

--Ads--

Ayon sa ulat, nagawa ng ama ang aksyon na ito dahil umano sa kabi-kabilang mga krimen na nangyayari sa kanilang bansa.

Kung kaya’t tila natakot na ang ama para sa seguridad ng kaniyang anak na babae.

Dahil dito, napagdesisyunan ng ama na kabitan na lamang ng CCTV ang anak para malaman ang mga ginagawa nito.

Pinatungan ang ulo ng anak na babae ng CCTV kagaya ng mga CCTV sa mga establesyemento na kung saan ay monitored ang buong araw.

Komento naman ng ilan, bantay-sarado ang anak. Ngunit sa kabila nito, ikinatuwa naman ng ilang mga netizen ang taktika ng ama para sa kapakanan ng anak.