DAGUPAN CITY —       Patay ang driver habang sugatan ang angkas na anak matapos bumangga ang minamanehong motorsiklo sa sementadong poste ng kuryente sa kahabaan ng Barangay Erfe road sa bayan ng Sta. Barbara.

        Kinilala ang mga biktima na sina Alejandro Jacinto Macatbag, 40 anyos na magsasaka na nagmamaneho ng motorsilo angkas ang kaniyang anak na si Justin Jimenez Macatbag, 14 anyos at kapwa residente ng Brgy. Nilombot ng nasabing bayan.

        Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na binabagtas noon ng mag-amang lulan ng motorsiklo ang naturang kalsada mula Barangay Leet patungong Barangay Nilombot na direksyon subalit nang makarating sa madilim na bahagi ng Barangay Erfe sumalisi ito sa kabilang lane at nawalan ng kontrol at aksidenteng bumangga sa sementadong poste ng kuryente at nahulog sa mabukid na bahagi ng nasabing lugar.

--Ads--

        Dahil dito, nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang mag-ama.

        Agad na isinugod sa pagamutan subalit ang driver ay idineklarang dead on arrival ng attending physician habang dinala naman ng Sta. Barbara Rescue Team ang 14 anyos na binatilyo sa R1MC Dagupan City para malapatan ng paunang lunas. (With reports from Bombo Everly Rico)