DAGUPAN CITY – Masakit parin para sa pamilyang naiwan ng nasawing Pinoy Caregiver sa bansang Israel ang pagkawala nito isang taon na ang nakalilipas matapos ang pag-atake ng Hamas sa nasabing bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Nick Castelvi Father of Paul Vincent Castelvi, isang Pinoy na nasawi sa Israel na breadwinner ito ng kanilang pamilya at maisasalarawan niya ito bilang isang maalalahanin at mabait na anak kung saan pati ang anak ng kaniyang mga kapatid ay kasama sa mga pangarap niya sa buhay.

Samantala, pagbabahagi nito na kung maaari ay ayaw na din niyang bumalik pa sa nasabing bansa ang kaniyang manugang (asawa ni Paul) lalo na sa nangyayaring kaguluhan doon.

--Ads--

Bagamat ay kapiling na niya ang kaniyang anak at buwan buwan namang may tulong pinansiyal na natatanggap mula sa Israel.

Matatandaan na umabot sa higit isang libo ang nasawi matapos ang pag-atake ng hamas sa Southern Israel, na naganap noong October 7, 2023 isang taon ang nakalilipas sa kasalukuyan.

Kung saan mahigit 41,000 Palestinians ang nasawi sa Gaza at mahigit 96,000 ang nasugatan.