BOMBO DAGUPAN – May nasisilip na problema ang Alliance of Concerned Teachers sa sinusulong na pagkakaroon ng national public school data base sa mga pampublikong paaralan.
Ayon kay France Castro, representative ng Alliance of Concerned Teachers o ACT Partylist, exclusive ang record ng mga bata sa mga paaraan kung saan mga magulang o authorized person lang ang maaaaring makakuha ng record ng mga mag aaral.
Ang nasabing database ay naglalaman ng impormasyon ng mga mag-aaral tulad ng grado sa paaralan, personal data, good moral record, at improvement tracking.
Pero ang ikinababahala ni Castro kapag nangyari ito ay na hindi makontrol kung sino ang puwedeng kumuha o mag access sa data ng mga bata.
Dagdag ni Castro na medyo maselan ang nasabing panukala dahil makokompromiso ang personbal cdata at iba pang impormasyon ukol sa bata.
Dahil dito giit niya na dapat maging malinaw kung sino ang puwedeng makaaccess, magkaroom ng data privacy officers at pag aralang mabuti ang mga mechanics.
Matatandaan sa inihaing Senate Bill 478 o Public School Database Act ni senador SherwinGatchalian ay minamandato ang DepEd na bumuo, mag-operate at mag-maintain ng National Public School Database.
Tinukoy ng senador na ang mga pisikal na dokumento ay madaling masira o kaya ay pwedeng mawala bunsod na rin ng hindi maayos na pagtatago nito o kaya naman ay mga aksidente tulad ng sunog, baha at iba pang sakuna.
Kung matitipon ang school records ng mga estudyante sa isang database ay mapepreserba ang mga mahahalagang dokumento at mapapadali ang pagaccess sa mga records ng mga guro, estudyante at school administrators.