Nagtala ang Provincial Health office ng 807 na all time high na mga gumaling sa sakit na covid 19 dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Provincial Health officer Dr. Ana Maria Teresa de Guzman, sa kabuoan ay mayroon nang 17,073 ang kabuoang gumaling sa lalawigan.

Base sa kanilang monitoring report, mayroong 210 na naitalang kaso sa lalawigan kahapon.

--Ads--

Karamihan sa mga nagpositibo ay mga close contact, authorized person outside Residence o APOR at frontline wokers.

Samantalang ang aktibong kaso ay 2,521. Sa nasabing bilang, 2,329 ang naitala ngprobinsya at 192 sa lungsod ng Dagupan.

Karamihan sa kanila ay naka home quarantine, home isolation o nasa pasilidad ng mga local government units.

Sa kabuoan ay 20,385 na kaso ng covid 19 sa lalawigan.

Pero nalulungkot namang inanunsyo ni De Guzman na mayroong 25 na bagong namatay, 22 rito ay mula sa probinsya at 3 sa lungsod ng Dagupan.

Sa kabuoan ay mayroon nang 791 ang nasawi.

Karamihan aniya sa mga nasawi ay nasa vulnerable group at hindi bakunado.

Provincial Health officer Dr. Ana Maria Teresa de Guzman