Dagupan City – Kinondena ng alkalde sa bayan ng Bayambang, Pangasinan ang sinapit ng impersonator ni Taylor Swift.

Ayon kay Bayambang Mayor Niña Jose-Quiambao, hindi nito ito-tolerate ang homophobia at physical abuse sa kaniyang bayan at sisiguraduhin nitong ibibigay ang hustisya sa biktima.

Humingi naman ito ng tawad kay Taylor Sheesh at sinigurong tinututukan na ng lokal na pamahalaan ang gumawa nito.

--Ads--

Panawagan naman nito sa publiko partikular na sa kaniyang nasasakupan, ang bayan ng Bayambang ay payapa at ligtas na bayan kung kaya’t walang puwang ang nangyaring kamalian.

Matatandaan na kumalat sa social media ang drag performer na si Taylor Sheesh nang mag-perform ito sa Kalutan Festival sa Bayambang kamakailan.
Base naman sa kumalat na video, kinarate sa baba si Taylor ng isang umano’y lasing na lalaki na nanonood sa VIP section ng venue, agad namang nasakote ng mga otoridad ang suspek at sinampahan ng kaukulang reklamo