DAGUPAN CITY- Patapos na ang isinasagawang drainage sa lungsod ng Dagupan., ngunit inaasahan pa ang phase 2 nito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez, sa nangyaring Flag Raising Ceremony kanina sa Dagupan City Plaza, inaasahan umano na halos matatapos na ang proyektong ginawa noong 2023 lalo sa mga main road sa lungsod sa kanilang elevation at drainage system ngunit sa 2024 projects ay may plano na at maisasagawa na din ang phase 2 ng mga ito sa lalong madaling panahon.
Aniya, may matubig pang parte sa Tambac dahil wala pa umano itong Phase 2, ngunit inaasahan na sisimulan na ito ngayong linggo. Sa gagawing drainage, kokonektado umano ito sa Quintos Bridge.
Ikokonekta naman ang lahat ng mga drainage system sa Arellano St., MH del pilar, Perez Blvd at iba pa na magkakasama para sa phase 2 upang ang tubig ulan ay dadaan dito at lalabas sa ilog ng lungsod upang hindi maipon sa mga main road ang tubig.
Habang sa parte naman ng YMCA, idederetso din ang daloy nito patungong Perez Blvd palabas ng Magsaysay Bridge. Upang maituloy ito, magsasagawa aniya sila ng House to House upang ipaalam sa mga naroroon ang preparasyon na kailangan nilang gawin.
Samantala, mabilis umano ang pagtatrabaho ng gobyerno sa mga proyektong ito ngunit ang nagiging problema lamang ay ang mga nadedelay na proyekto dahil sa pag-aproba ng pitong konsehal kaya dito sila nagkakaproblema ngunit asahan ng lungsod na ang problema sa baha dito ay masosolusyunan na sa tulong at pakikipagtulungan ng bawat isa.