DAGUPAN CITY–Nakikita umano ni Mayor Brian Lim ng lungsod ng Dagupan, ang pangangailangan ng pagsasagawa ng mga kaukulang paghahanda patungkol sa mga sunod-sunod na mga lindol na nangyari sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa alkalde, inilahad ni Lim ang kanyang planong pakikipag-ugnayan sa mga ahensyang kaugnay sa usapin upang maglungsad ng mga earthquake drills lalo na sa mga eskwelahan at mga highly populated areas ng siyudad.

Sa kabila ng pagkakaroon na ng mga programang regular na isinasagawa dito upang lalo pang ipaalala ang mas pinaigting na paghahanda sa mga malulubhang sakuna tulad ng lindol.

--Ads--