Dagupan City – Ibinahagi ni Mayor Belen T. Fernandez ang kanyang naging karanasan nang tumama ang killer earthquake noong July 16, 1990 sa Luzon partikular na sa Dagupan City. Isa ang Dagupan City sa naapektuhan sa napakalakas na lindol na nasa magnitude 7.8 na tumagal ng 45 segundo ngunit kumitil at naghatid ng sugat sa libo-libong indibidwal at sumira ng mga gusali, kalsada, tulay at kabahayan.
Base sa kasaysayan nito nasa 4 o 6 na taon umano bago nakabangon ang nasabing lungsod dahil sa mga nasira sa dumaang kalunos-lunos na trahedya.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kanya na nasa Movie House o Sinehan ito ng kanyang kuya nang mangyari ang trahedya na talagang ramdam ang lakas nito.
Aniya na sa pagkakataon na iyon ay napagtanto niya na dapat hindi magpanic at may presence of mind kaya habang nangyayari nagawa nitong matulungang mapatayp ang ilang mga tao na nadadaanan nito na nadadapa upang hindi sila maapakan o madaanan ng ibang tao na nagsisitakbuhan.
Kaugnay nito, paglabas umano nito sa sinehan ay doon niya naranasan na makita ang mga poste ng kuryente ay nagsisitumbahan na, mga grocery nila ay nagsisihulog na sa mga lagayan habang ang mga tao ay nag-aaburido na dahil sa mga bahay nilang naapektuhan nito.
Dahil umano sa karanasang iyon ay siyanv nagtulak sa kanya nang naupo bilang alkalde na ang bawat barangay o indibidwal, paaralan at mga barangay opisyal na mabigyan ng sapat na trainings para sa ganitong paghahanda sa sakuna upang alam nila ang mga dapat isaalang-alang lalo na sa lindol.
Dagdag nito na patuloy itong nakikipag-ugnayan sa City Disaster Risk Reduction and Management Council lalo na sa pagbabahagi ng impormasyon ng kanilang mga representatives ukol sa preparasyon sa mga ganitong trahedya lalo na kapag may mga isinasagawang events sa lungsod kung saan hindi nawawala ang mga ito sa pagbibigay ng briefing sa tao.
Wala umanong kasiguraduhan kapag lindol ang pinag-uusapan kaya dapat laging handa lalo na ang usapin ng The Big One sa Maynila kung saan inaalerto na nito ang lahat lalo na sa Barangay level sa buong 31 barangay nito dahil tinatayang nasa magnitude 8.2 ang lakas nito kaya patuloy ang pagsasagawa nila ng mga proyekto at programa sa kahandaan ng bawat Dagupeño sa mga sakunang inaasahang darating sa kanilang lungsod.