Dagupan City – Ipinahayag ng alkalde ng bayan ng Calasiao na wala siyang nakikitang anomalya o iregularidad sa mga flood control projects na naipatupad sa kanilang lugar.

Ayon kay Calasiao Mayor Patrick Caramat lahat ay frustrated na rin sa patuloy na problema sa pagbaha, kung kaya’t ganoon na lamang din ang kanilang pagsusumikap dahil kilala rin ang Calasiao na nasa bahagi ng mga low-lying areas.

Nauna nang binigyang diin ng alkalde na ang ilang flood control projects naman ang napatunayang naging epektibo sa baha.

--Ads--

Sa kabila nito, nilinaw rin niya na sa kasalukuyan, wala namang isinasagawang bagong flood control projects at wala ring nakabinbin na proyekto kaugnay dito.

Naniniwala naman si Caramat na pumirma man o hindi ng Good Governance Manifesto ay iisa naman ang adhikain ng mga alkalde sa bansa ang makamit ang Transparency, Accountability, Participatory Governance, at mga nakapaloob sa nasabing panukala.