Dagupan City – ‎Umikot sa mga pangunahing kalsada ng Mangaldan, Pangasinan ang isang pasasalamat motorcade na pinangunahan ni Mayor Bona Fe de Vera Parayno kasama ang mga bagong halal na opisyal ng bayan.
‎
Layon ng aktibidad na ito ang magpasalamat sa suporta ng mga botante sa nagdaang halalan. Kabilang sa motorcade sina Vice Mayor-elect Atty. Johnny Cabrera at mga miyembro ng bagong Sangguniang Bayan.
‎
Habang dumaraan ang convoy, sinalubong ito ng ilang residente. May ilan ding tagasuporta na sumama sa prusisyon at namahagi ng kendi sa gilid ng daan.
‎
Ayon sa mga opisyal, ang motorcade ay isang simpleng paraan ng pag-abot ng pasasalamat sa mga kababayan matapos ang eleksyon.
‎
Walang aberyang naitala sa isinagawang aktibidad. Nanawagan ang mga lider ng patuloy na pagkakaisa para sa mga susunod na hakbang ng lokal na pamahalaan.