BOMBO DAGUPAN – Nauugnay ngayon sa pangalan ni Sheila Guo ang isang negosyo sa bayan ng Sual sa nakaraang pagdinig sa Senado na may pangalang Alisel Aqua Farm.
Hango umano ang pangalan na ito sa kombinasyon na pangalan nina dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo at Mayor Liseldo “Dong” Calugay sa bayan ng Sual base sa impormasyong natanggap ni Senador Sherwin Gatchalian.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Alyas “Joey” isang opisyal ng Barangay Baquioen na hindi umano nag-eexist ang negosyong Alisel Aqua Farm sa kanilang nasasakupan.
Aniya na walang ganitong pangalan na nakarehistro na aktibong nag-ooperate sa kanilang barangay dahil sa kanilang tala ay mayroong lamang aktibong 25 Individual at Corporate Owned na Aqua Farm dito.
Dagdag nito na mayroon lamang silang hawak na draft dokument ng resolution for endorsement na nag-apply ang Alisel Aqua Farm sa kanila noong 2022 upang magpatayo ng negosyo dito na siya namang ginawa nila na ipinadala sa Sangguniang Bayan.
Kailangan lamang umanong magpakita ang investors ng pre-requisite na requirements gaya ng DTI Certificate of Business Name Registration dahil dito nila binabase ang pangalan na ilalagay nila sa resolution for endorsement ngunit hindi na nila alam kung ano ang naging resulta nito sa Sangguniang Bayan kung naipursige ba o hindi.
Binigyang diin naman nito na ang tungkulin lamang umano ng barangay na mag-endorse ng pangalan ng negosyo ng investors na nais mamuhunan sa kanilang barangay ngunit nasa kamay na ng Sangguniang Bayan kung ipapayagan nilang mag-operate dahil sila ang magbibigay sila ng Fisheries Privilege.
Ipinaliwanag naman nito ang mga nagiging proseso ng pagsecure ng endorsement sa barangay kung saan kailangan umano nilang makilala mismong investor na nag-aapply nitoupang maipaalam dito ang mga patakaran lalo na ang mga dapat at hindi dapat gawin ngunit kung hindi naman ay maari din ang Authorized representatives nito.
Samantala, Buo naman ang paniniwala nito na walang napapatayong negosyo na ganito ang pangalan sa kanilang lugar dahil malalaman nila dahil kung mayroon dahil makikita ng kanilang Barangay Treasurer ang dokumento base sa pagrerenew or pag-iissue ng clearance sa mga business owners para magpatuloy sila.