Agad bumiyahe si Filipina tennis star Alex Eala patungong Japan kasunod ng pagtatapos ng kaniyang kampaniya sa Singapore Open.

Dumiretso ang Pinay star sa Japan para samahan ang Team Philippines at sumabak sa ilang maiikling ensayo bago ang kaniyang nakatakdang laban.

Pinili ng World No. 18 na irepresenta ang Pilipinas kaysa sumabak sa mandatoryong Women Tennis Association (WTA) 1000 China Open na nakatakdang isagawa sa Beijing.

--Ads--

Ang naturang turneyo ay naisabay ng Asian Games na kasalukuyan nang umuusad sa Japan.

Nakatakdang magsimula ang women’s singles tournament sa araw ng Lingo, September 27 sa Nagoya City Higashiyama Park Tennis Center.  | Via Bombo Genesis Racho