Nasungkit ni Filipina tennis sensation Alex Eala ang pinakamalaking titulo sa kanyang karera matapos talunin ang top seed na si Jessica Pegula, 4-6, 6-4, 6-0, sa finals ng 2026 Mubadala DC Open nitong Martes (oras sa Pilipinas).
Nagpakita ng matinding determinasyon si Eala matapos maantala ng halos 20 oras ang laban dahil sa masamang panahon.
Sa kabila ng pagkatalo sa unang set, bumawi ang 21-anyos na Pinay upang dominahin ang sumunod na dalawang set at maiuwi ang kampeonato.
Bukod sa una niyang WTA 500 championship, naitala rin ni Eala ang kanyang ikasiyam na panalo laban sa Top 10 player, at ikapito ngayong taon, na lalo pang nagpapatibay sa kanyang pag-angat sa mundo ng women’s tennis.
Bukod dito, naitala rin niya ang ikasiyam na panalo laban sa isang Top 10 player sa kanyang karera at ikapito ngayong taon, matapos pataubin ang world No. 4 at hometown favorite na si Pegula. | via Bombo John Florez










