Nakatakdang makaharap ni Pinay tennis star Alex Eala si Leylah Fernandez sa Round of 32 ng Stuttgart Open sa Germany.
Ang 23-anyos na si Fernandez ay may dugong Pinoy dahil ang ina nito ay isang Filipino-Canadian.
Umabot ng finals ng US Open noong 2021 si Fernandez habang quarterfinals naman sa French Open noong 2022.
Kasalukuyang nasa ranked 25 ito kung saan kakagaling lamang nito sa Round of 16 ng Charleston Open at umabot ng Round of 32 sa Miami Open.
Habang si Eala ay kagagaling din sa Round of 16 ng Linz Open ang unang clay court na nilahukan niya ngayong season.
Ngayon pa lamang maghaharap sa singles match ang dalawa subalit sa doubles ay nagkaharap na sila sa Abu Dhabi Open.
Kasama noon ni Eala si Janice Tjen kung saan tinalo nila si Fernandez at Kristina Mladenovic.










