Ibinaba na ng Pangasinan Police Provincial Office ang kanilang alert status sa lalawigan kasunod ng naging matagumpay na paggunita ng Semana Santa 2023.

Ayon kay PCol Jeff Fanged ang siyang Provincial Director ng Pangasinan PPO na aniya naging payapa ang kabuuang pagobserba ng naturang pagdiriwang na resulta na rin umano sa mga magandang preparasyon na kanilang isinagawa sa pagkamit ng peace and order sa probinsya.

Gayunpaman aminado rin aniya ito na hindi maiiwasan ang mga iilang insidente kung saan nakapagtala ang Pangasinan ng siyam na kaso ng pagkalunod simula Abril 3 – Abril 9.

--Ads--

Karamihan aniya rito ay naitala sa mga karagatan lalo na’t may ilang mga indibidwala ng hindi tumatalima sa mga panuntunang kanilang inilatag.

Dagdag pa ng naturang opisyal na makaraang nakapagdatos ang probinsya ng tatlong insidente ng pagkalunod sa mga resorts noong unang dalawang araw ng Abril ay agad anilang pinaigting ang kanilang koordinasyon sa lahat ng mga resort owners.

Samantala inilahad din nito na naging matagumpay din ang kanilang one time bigtime na pagaresto sa mga wanted persons noong nagdaang Semana Santa kung saan aabot sa 138 na mag indibidwal ang kanilang naaresto.

TINIG NI PCOL. JEFF FANGED

Bumaba rin umano ng 50% ang naitala nilang mga minor incidents tulad ng theft habang nakapagtala naman ng aabot sa 35 vehicular accidents noong nakaraang linggo.

Kaugnay nito ay nananawagan ito sa publiko partikular na sa mga motorista na hangga’t maari ay tiyakin na sila ay nasa maayos na kondisyon tuwing bibiyahe upang makaiwas sa mag kahalintulad na mga aksidente.