Naghahanda na ang Albay provincial government sa posibleng epekto ni Tropical Storm Leon kahit na bumabangon pa ito mula sa pananalasa ni Severe Tropical Storm Kristine

Ayon sa Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO), naghahanda na sila sa mga posibleng bagyo na maaaring tumama sa bansa kasunod ni Kristine na nagresulta sa tinatayang P1.3 bilyong halaga ng pinsala sa imprastraktura.

Kabilang sa major infrastructure projects na napinsala sa Albay ay ang Pio Duran Road.
Samantala, baha pa rin sa mga bayan ng Oas, Polanggui, at Libon habang wala pang kuryente sa Pio Duran.

--Ads--

Nauna nang nagpulong ang provincial government nitong Linggo upang talakayin kung paano ipamamahagi ang P50 milyong tulong na ibinigay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at paghahanda sakaling tumama si Leon sa lugar.