Ipinagbabawal ang alay-lakad at hindi rin hinihimok ang pagsasagawa ng bisita iglesia sa ibat-ibang simbahan sa pagsapit ng semana santa bilang paghahanda sa posibleng pagtaas ng COVID-19 cases sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCapt. Aturo Melchor Jr., tagapagsalita ng Pangasinan PPO, ito ay ayon sa rekomendasyon ng Pangasinan IATF sa lokal na pamahalaan ng lalawigan.

Nakasaad sa resolusyong ito, na siya ring ipinasang rekomendasyon ng naturang ahensiya sa National IATF ay ang pagbabawal ng anumang uri ng mass gathering, kasama na ang religious gatherings.

--Ads--
Voice of PCapt. Aturo Melchor Jr.

Bukod diyan ay nais din nilang ipatupad ang liquor ban sa kahabaan ng holy week.

Bawal din ang sabong at mga tiangge; maging ng indoor dining, at tanging 50% seating capacity lamang para naman sa outdoor dining.

Kasama na rin ang pagpapatupad ng mga kasalukuyang IATF protocols particular na sa mga simbahan.

Ngayong araw ay hihintayin na lamang maaprubahan ito ng Gobernador ng lalawigan.

Kaugnay nito, asahan naman umano ang mas pinaigting na pwersa ng kapulisan sa border checkpoints at ang police visibility sa mga pampublikong lugar.

Samantala, ipatutupad naman ng kapulisan ang mga direktibang manggagaling sa Department of Tourism (DOT) hinggil sa posibleng pagdagsa ng mga dadayo sa tourist destination ng lalawigan ng Pangasinan ngayong nalalapit na ang holy week.

Kabilang diyan ang pagpre-presenta ng medical certificate, o ang negatibong resulta ng RT-PCR test.

Ito naman aniya ay depende sa mga pook pasyalan na talagang nag-re-require nito.

Ngunit kung mapapansin umano ay hindi ganoon kahigpit sa mga dayuhang nanggagaling mismo sa loob ng lalawigan.

Ani Melchor ay mas mahigpit nilang sinusuri ang mga kaukulang dokumento mula sa mga manggagaling pa ng labas ng probinsiya.

PCapt. Aturo Melchor Jr.

Samantala, para naman umano sa mga uuwi ng Pangasinan ay kailangang makipag-koordina ng mga ito at magpatala sa kani-kanilang Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) upang sila ay agarang masuri ay maiwasan ang tuluyang pagsirit ng mga nagpopositibo sa COVID-19.