Dagupan City – Binigyang parangal ng Department of Environment and Natural Resources—Environmental Management Bureau Regional Office 1 (DENR-EMB RO1) ang lunsgod ng Alaminos na “GREEN GOVERNANCE EXCELLENCE AWARDEE” para sa kahanga-hangang mga inisyatiba at natatanging pagsisikap ng lokal na pamahalaan sa pagsasakatuparan ng mga “solid waste management practices” nito at pagtalima sa mahahalagang probisyon ng Republic Act 9003.
Ang Lungsod ng Alaminos ay nakakuha din ng Sustainable Alliance Partner Accolade at Certificate of Recognition in Outstanding Programs and Activities in Effective Composting.
Ang CGDH-1/City Environment and Natural Resources Officer ay personal na tinanggap ang mga parangal kasama ang ba pang opisyal mula sa ungsod.
Ang mga kamakailang tagumpay na ito ay nagpapakita na ang administrasyon ni Mayor Arth Bryan ay nasa tamang direksyon sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng ating kalikasan at patuloy na nagsisiguro ng mas malinis at maayos na kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon, na nagpapadali sa pagpapaunlad ng lungsod.
Sa kabilang banda, sa pamumuno ni Punong Barangay Larry R.Mpntenegro, Ang Green Governance Excellence Award sa Barangay Level Category ay binigyang pagkilala sa malaking kontribusyon ng komunidad sa pagpapatupad ng Ecological Solid Waste Management Act of 2000.