DAGUPAN CITY- Muling nagtungo ang programang Alaminos caravan ng local na Pamahalaan sa mga barangay sa syudad upang magbahagi ng iba’t ibang serbisyo at programa sa mga residente nito.
Kung saan ang mga residente mula sa brgy. San Vicente, Tanaytay at Pocal-pocal sa syudad ang nabibiyayan ng kumprehensibong “caravan of services” na nasa ikatlong taon na ri ngayon sa patuloy na pagseserbisyo sa kanilang kumunidad.
Kabilang sa serbisyo ng programa ay ang pangangalagang pangkalusugan,serbisyong panlipunan, serbisyong pang-edukasyon, pang-ekonomiya, pang-kapayapaan at kaayusan at serbisyong pang-kalikasan.
Dumalo sa aktibidad ang mga barangay council, iba’t ibang departamento, at partner government line agencies at civil society organizations sa lungsod.
Ang “Alaminos Barangay Caravan” ay isang paraan ng pamahalaang lungsod ng Alaminos upang mapalapit ang mga serbisyo nito sa mga residente at makatulong sa pag-unlad ng Alaminos.