Nakakaranas ba kayo ng panunuyo at pagbabalat ng labi?

Ang panunuyo at pagbabalat ng labi ay sanhi ng malamig o masyadong mainit na panahon, madalas na pagdila ng iyong labi, o paglalagay ng lip products na may hindi magandang ingredient.

Para maibsan, gumamit ng non-irritating lipbalm na mayroong eucalyptus, lanolin, menthol, castor seed oil shea butter, sun-protective ingredients tulad ng titanium oxide o zinc oxide at white petroleum jelly na nakakatulong na gamutin ang iyong chapped lips.

--Ads--

Nakakatulong din ang pag-inom ng tubig upang ma-hydrate ang ating labi.

Huwag kutkutin ang labi, lalo na ang nagbabalat na labi.

Huwag lawayan ang labi, dahil may kemikal ang laway natin.