BOMBO DAGUPAN – Mga Ka Bombo alam niyo bang trending ngayon ang Labubu Dolls na kamakailan lang ay dumagdag sa listahan ng mga ‘anik-anik’.
Pero alam ba ninyo ang kwento sa likod ng biglang pagsulpot ng trend na ito?
Ang mga Labubu Dolls ay madalas na makikita ngayon na ginagawang palamuti at nakasabit sa mga bag kasama ng iba pang mga accessories na nauuso ngayon.
Ang Labubu Dolls ay nilikha ng Hongkong-born artist na si Kasing Lung noong 2015.
Ito ay kabilang ito sa mga karakter ng The Monsters Series na inspired sa Nordic Mythology na kinahiligan niya habang lumalaki.
Bago maging toy designer, naging children’s book illustrator muna siya at naging pinakaunang Chinese winner ng Illustration Wward sa Belgium noong nanirahan ito roon.
Noong 2019 ay nakipag-partner siya sa Chinese toy company na ‘Pop Mart’ na kilala sa binibigay nitong mystery effect dahil sa blind box packaging nito at simula noon ay unti-unti nang naging matunog ang Labubu Dolls.
Sa kasalukuyan ay marami na ang sumali sa trend na ito kabilang ang na ilang mga local at international celebrities.