Patuloy na inilalapit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang iba’t ibang serbisyong pampubliko sa mga komunidad sa pamamagitan ng programang Alagang Ang Galing sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Ramon V. Guico III.
Sa isinagawang aktibidad sa bayan ng Sto. Tomas, daan-daang residente ang nakinabang sa iba’t ibang serbisyong inilapit ng pamahalaan. Kabilang dito ang PhilHealth YAKAP registration, PhilSys registration, employment assistance, libreng medical consultation at pamamahagi ng mga gamot.
Nagkaroon din ng distribusyon ng libreng seedlings at asin, pati na rin ng veterinary services tulad ng anti-rabies vaccination para sa mga alagang hayop.
Layunin ng programa na maihatid ang komprehensibo at de-kalidad na serbisyo sa mas maraming mamamayan, lalo na sa mga nasa malalayong lugar.
Sa pamamagitan ng Alagang Ang Galing, patuloy na isinusulong ng pamahalaang panlalawigan ang pagbibigay ng maagap at inklusibong serbisyo upang mapabuti ang kalagayan ng bawat Pangasinense.










