BOMBO DAGUPAN – Mistulang pagsasakal sa mga school administrators upang higpitan ang pagkilatis sa mga school organization dahil sa hinalang nagsasagawa ng rebel recruitment.

Ito ang pahayag ni Brell Lacerna, National Spokesperson, College Editors Guild of the Philippines, kaugnay sa pagdinig na ginagawa ng komite na pinamumunuan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa hinggil sa umanoy paghikayat ng NPA sa mga estudyante sa mga educational institution.

Ayon kay Lacerna, dapat ang isyu na pinag uusapan ay kung bakit mayroon pa ring mga rebelde sa bansa.

--Ads--

Hamon niya sa mga government official na pag aralan ang kasaysayan ng armed conflict at bakit nangyayari ito magpahanggang ngayon.

Binanggit ni Lacerna ang ginagawang pag redtag ng estado sa kabataang organisasyon na inaakusahan na naglulunsad ng recruitment.

Giit niya na baseless ang akusasyon dahil ang tanging ginagawa lang naman ng kanilang organisasyon ay sinusuri ang mga isyung kakulangan at kapabayaan ng gobyerno.

Hamon pa niya ay imbitahan sila sa susunod na senate hearing ni dela rosa patungkol sa NPA recruitment.

Matatandaan na inimbestigahan ng komite na pinamumunuan ni dela Rosa ang radikalisasyon at paghikayat ng NPA sa mga estudyante sa mga educational institution.