BOMBO DAGUPAN – Kumpirmadong wala na sa pangangalaga ng talent management na Careless Music ang aktres na si Liza Soberano.

Mismong ang pamunuan na ng Careless Music ang nagsapubliko nito sa isang post kahapon, September 14, 2024, matapos ang ilang linggong bulung-bulungang umalis na sa kanilang poder si Liza.

Bago ang anunsiyong ito, unang napansin ng netizens ang hindi pagpu-promote ng Careless Music kay Liza sa social-media pages nito simula pa noong August 2024.

--Ads--

Kung saan mas lalo pang nagliyab ang usap-usapang umalis na si Liza nang i-unfollow niya sa Instagram ang Careless Music.

Ang Careless Music, ay isang record label at talent management company na pinamumunuan ng actor-singer na si James Reid, kasosyo ang American-Korean businessman na si Jeffrey Oh.