BOMBO DAGUPAN – Usap-uasapan ngayon sa social media kung may relasyon ba ang aktres na si Kate Valdez at Japanese vlogger at artist na si Fumiya Sankai.

Ginugol kasi ni Kate ang kanyang kaarawan sa Hong Kong Disneyland kasama si Fumiya at naisip ito ng mga netizen kung magkasama ba sila?

Sa isang post, ibinahagi ng Sparkle star ang ilang mga snaps ng kanyang pag-explore sa Hong Kong Disneyland. Kabilang sa mga snaps na ibinahagi niya ay ang selfie niya kasama si Fumiya na may background na Walt Disney castle.

--Ads--

Nagbahagi rin si Fumiya ng mga larawan nila sa kanyang sariling social media account at binati si Kate ng maligayang kaarawan.

Ibinahagi din niya na ito ang kanyang unang pagbisita sa bansang Hong Kong.