BOMBO DAGUPAN – Sinagot ng aktres na si Bela Padilla ang komento ng netizen na hindi siya bagay sa grupo nila Vice Ganda na maghost sa isang noontime show.

Saad nila ay may nakikita nila ito bilang isang mas matalinong artista at filmmaker.

Ayon sa isang follower niya “hindi daw bagay kay Bella na mapabilang sa grupo nila Vice at ang mga banat daw sa nasabing show ay cheap jokes lamang.

--Ads--

Sagot naman ni “I totally disagree”. Aniya kung totoong matalino daw ang isang tao, ay kaya nitong mag-adapt sa kanyang environment. Dagdag pa niya na sobrang nag-eenjoy daw siya na kasama ang mga ito.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na paminsan-minsan ay napapanood si Bela sa nasabing noontime show bilang isang guest host.

Kung saan ikinakampanya ng kanyang online fans na maging regular na sana siya dahil ang bilis nga niyang nag-blend sa iba pang mga host.