Pumanaw ang Taiwanese na aktres na si Barbie Hsu dahil sa pneumonia matapos magkasakit ng influenza habang nagbabakasyon sa Japan.
Si Hsu, 48 taong gulang ay isa sa mga pinakamalaking pangalan sa mundo ng Mandarin at kilala sa kanyang pagganap sa 2001 TV series na Meteor Garden.
Ang Meteor Garden ay nagpasikat kay Hsu sa Pilipinas, Indonesia, at Thailand.
Kinumpirma ng kanyang kapatid na si Dee Hsu ang kanyang pagpanaw sa isang tv network ng Taiwan.
Nagsimula ang karera ni Hsu sa showbiz nang siya ay 17 taong gulang bilang bahagi ng isang pop duo kasama ang kanyang kapatid na si Dee. Ang dalawa ay naging popular na mga host, kilala sa kanilang masiglang estilo at pagpapatawa.
Ang mga balita tungkol sa pagkamatay ni Hsu ay kumalat matapos mag-post ng isang sikat na Facebook account ng isang cryptic na mensahe na nagsasabing isang 48-taong-gulang na Taiwanese celebrity ang pumanaw.
Ang kumpirmasyon ng kanyang pagpanaw ay nagdulot ng pagkabigla sa mga fans, at nagbigay daan sa isang agos ng simpatya at pakikiramay sa social media.