BOMBO DAGUPAN – Naaresto ang isang aktibong POSO enforcer sa bayan ng Mapandan matapos ang isinagawang buy bust operation sa lungsod ng Urdaneta.

Ayon kay Retchie Camacho, provincial Officer, PDEA Pangasinan, kinilala ang naaresto na si alyas Orly, 50 anyos, may live in partner at law enforcer sa bayan ng Mapandan.

Sinabi ni Camacho na matagal nila itong minamanmanan sa kanyang ilegal na aktibidad.

--Ads--

Hindi lamang sa bayan ng Mapandan, may mga parokyano rin siya sa ibat ibang bayan.

Saad ni Camacho na isa sa mga tauhan nila ang nagpanggap na buyer at isinagawa ang transakyon sa may Urdaneta City.

Nabatid na ito ang pangalawang buy bust operation sa linggong ito.

Sinabi ng opisyal na dati nang nakulong ang naaresto kung saan 13 taon ang ginugol sa loob ng kolongan sa Muntinlupa at BJMP pero paglabas ay bumalik sa illegal na gawain.

Napag alaman na nakaunipoprme pa ito at dala dala ang ID at service na motorcylcle nang ito ay mahuli.

Bukod sa kasong paglabag sa section 5 ng Republic Act o RA 9165 ay maaari rin itong maharap sa kasong administratibo.