Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga aksidente sa kalsada sa Region 1 ngayong holiday season.

Mula Disyembre 21 hanggang 27, 2025, umabot na sa 23 ang naitalang aksidente, kung saan ang mga kabataan ang pinaka-apektado.

Ayon sa datos, ang mga nasa edad 30 hanggang 34 ang bumubuo sa 28.1% ng mga kaso kung saan maramihan sa mga nasangkot ay kalalakihan, at isa sa mga insidente ay nagresulta sa pagkasawi.

--Ads--

Dahil dito, nanawagan ang mga awtoridad para sa mas pinaigting na kampanya sa road safety na nakatuon sa mga kabataan.

Samantala, binigyang-diin ng Department of Health Ilocos Region sa lahat na maging responsable sa kalsada kung saan ugaliing magsuot ng DTI-approved helmet at seatbelt, iwasan ang pagmamaneho nang pagod o lasing, sundin ang speed limit at mga senyas trapiko, magpahinga bago bumiyahe, at huwag gumamit ng cellphone habang nagmamaneho.